01 January 2006

january na..

..naman. last january, naisip kong gumawa ng blog kasi na-enganyo ako dahil parang masayang magpakitang-gilas sa pagsulat online.. kaso wala pala ako nung gilas, pakita lang, hehe. anyway, belated happy christmas sa inyo mga friends and others. wala kasi ako dito sa lungga ko nung pasko dahil dun kami nag-pasko ng aking mga kaanak sa pangasinan. i love pangasinan, masaya ako pag nandun ako. downside: tumataba ako ng sobra. doon kasi, 3 times a day kumain ang mga tao at maaga pa matulog. well, di bale, malalagas din ang aking extra pounds dahil balik na naman sa haggard na buhay. hopefully matapos na ang ojt ko, kaunti na lang! haaay, i hate thesis forever. parang nalulunod ako sa kawalan pag iniisip ko yung thesis ko. buti na lang may mga nakakatuwang bagay tulad ng digicam. ooops, wala akong digicam, pero gustong-gusto ko magkaroon. kaya talaga namang pinag-iipunan ko iyon, kaso nga lang, nauna kong binili ang aking computer kaya nalagasan talaga ng todo ang savings ko. good thing, meron akong tito/kuya na super bait na nagpahiram sa akin ng cam for our Sagada getaway! yehey! kahit pala may mga sobrang samang mga bagay na nangyayari dahil sa mga walang kasing samang tao, eh hindi pa rin ako totally nakakalimutan sa Itaas. meron pa ring mga ganitong pangyayari na kahit papaano ay pwedeng makapagpabawas ng mga sama ng loob ko.


hindi ako yung tao na gumagawa talaga ng mga new year's resolution dahil hindi ko rin naman natutupad yung mga supposed resolutions ko. pero siguro for this year, magiging mas strict ako sa sarili, todo aral na to magdamag!! siyempre, hindi yan totoo. ako pa, crammer ako sa isip, sa puso, at sa gawa. pero siyempre, kelangan more serious approach on life in general. i plan to list down ALL my expenses starting today. todo ipon na uli. para din may control ako sa allowance ko, alam ko kung ano gaano ba ako kagastos talaga. magiging mas passive na rin siguro ako, hindi na masyadong react ng react sa mga bagay-bagay, bahala ng mapatay. more time devoted to making sure my sister and brother are not going to become corrupted in any way by the damned. more time to prayer. more time for myself. more time for productivity. in short, sana po mahaba pa ang buhay ko para magawa ko pa yan. nga pala, baka new blog na rin, pag-iisipan ko pa bago mag-1 year anniversary ang blog na ito.


ps: HAPPY BIRTHDAY SA AKING EVERDEAREST MARK ANTHONY SOLOMON RONE!! blowout!! happy birthday Jerry Yan Cheng Xu, hehe!!

Blogger riftwing detto...

tenk u ka naman dyan! hehehe... nyabyu!

1/09/2006 04:16:00 AM  

Affiggere un commento

<< Casa