20 August 2005

wala lang


walang magawa ngayon. kababangon ko pa lang at nagbukas kaagad ako ng computer. tinatamad pa ako lumabas ng kwarto, at lalo na ng bahay. ayoko din gumastos. sana nga maluto na ang ulam namin dahil gutom na rin ako. sana masarap ang ulam at hindi lang mabango ng gaya ng naamoy ko ngayon. miss na miss ko na si jennifer ko. hay naku, ang tagal mag-reply sa aming update chuva. =(
ang daming nangyayari sa buhay-buhay. minsan nga naiisip ko sana huminto muna ang oras para makapag-pahinga naman ang mga tao. sana walang pasok sa monday para makapag-pahinga ang nanay ko. puro trabaho na lang kasi eh. sana makatapos na ako para makatulong. ang ganda ng mga orgmates ko sa UP FLIPP, siyempre ako din, mwehehehe. =)

Blogger delaney816eddie detto...

damn good blog, check out mine http://juicyfruiter.blogspot.com, comments always welcome!

8/21/2005 01:48:00 PM  

Affiggere un commento

<< Casa