30 July 2005

aftermath

yehba.. kakauwi ko lang from the I LISten concert.. joke! kagabi pa yun.. =p
sobrang enjoy naman, kahit na nung una eh nasa sidelines lang kami ng ibang orgmates ko. puro ulo lang ng mga tao ang nakikita namin, oh well, baka ako lang ang puro ulo ang nakikita kasi ang tangkad ko ever. eventually, puro hita at binti na lang ang nakikita namin dahil umupo na lang kami. kasama ko pala ang ever-stalker na kapatid ko na si Shanel at nandun siya nakikipagpalitan ng pawis sa harapan. iwan ba naman niya yung classmate niya sa amin ng mga orgmates ko eh, hanep. medyo kaunti lang yung tao kumpara sa last na concert na pinuntahan ko sa Bahay ng Alumni. pero naman, free concert for the freshies yun dati eh, at saka fopc yun na kasali pala kami nwehe. hindi ko alam kung ilang tickets lang ang binenta nila pero lahat naubos naman. maaga lang kasi nagsarta ng doors para ma-control daw yung crowd. ang dami pa naman willing magbayad kahit wala ng ticket, at take note, hindi mga squatters ang mga iyon. puro babae nga eh.. sayang, pera din yun. kaso ayaw na pumayag ng mga bossing na magpapasok pa eh. okay na sa kanila ang kinita nila, ayaw ng extra. maluwag pa nga yung Bahay eh, pero napuno din naman lalo na nung nag-start na tumugtog yung 4 na main acts (Spongecola, MYMP, Cambio at Hale). ang daming fans ng MYMP, bilib ako. pati yung coƱotic na mga lalake na mukhang mga la sallista, todo sigaw nung MYMP na. ang galeng ng performance nila, at nakakaiyak ang Tell Me Where It Hurts. ='( okay din naman yung mga supporting acts. yung first na tumugtog (kung tama yung pagkakaalala ko) e yung Wanwurd at good luck, classmate pala namin sa ILIS yung vocalist! hello Rocky! ang galeng nila, kaya pala sikat yung mokongs na yun. una yung Spongecola sa main acts, okay naman pala sila live (jeepney!). ang saya makipagsigwan. buti nga at hindi ako napaos ngayon. in between main bands yung mga supporting acts. basta nung Cambio na, nandun na ko sa tabi ng stage. yehey! first time ko yun, and probably last na rin unless magpa-concert uli kami. ang saya! kaya tuloy nagkaroon kami ng pic ni hari ng sablay Ebe (inset) yahu! ang saya, naging instat groupie ako, nakatawa. nahawa ako bigla sa kapatid ko. yung kapatid ko naman, kung kani-kanino nagpa-autograph at nakipag-picture-an. may picture din pala ako with diego mapa. nanakatawa kasi hindi ko siya kilala, sinabi lang sa akin ng orgmate ko kung sino siya after kami kuhanan ng pic. chorva! vocalist din pala siya ng Cambio at kapatid niya si Jao Mapa.
muntik na mahulog rin pala siya mahulog sa stage nung nagpe-perform sila. paano ba naman, talon ng talon, kawawa yung mga babagsakan niya. hanep yung kapatid ko, nung nakita niya na nasa tabi na ako ng stage, bigla na lang "ate! ate, ang sakit na ng paa ko.. ate, ate! diyan na lang ako ha?" at sabay tawid ng harang at hawak sa akin. aba, naalala niya na kasama pala niya ako! ayun, nakatawid sa harang, nagwala na. Hale lang naman ang habol niya talaga, gaya ng marami sa audience. nung dumating ang Hale, ayun, nagkagulo na mga tao sa backstage. nagsusungit pa yung manager ng Hale. ayun na nga, naging instant bouncer tuloy kami ng orgmates ko dahil humngi na ng tulong yun ILIS-SC para i-control yung crowd. human-chain effect tuloy. pero siyempre, semi-pasaway ako. nakibitaw muna ako para kumuha ng pictures. =) tinugtog pa ng Hale yung fave song ko sa album nila (see previous entry) kaya ang saya! kahit napagod ako ng sobra (nung umaga kasi nanggaling pa ako ng DepEd, 9:30a-4p ako dun dahil lang sa pag-aantay ng request chuva para sa preliminary research ko, grrrrrr) nabawi naman dahil nakakanta ako ng malakas! hah! ang nilangaw ng tuluyan ay yung mga huling tumugtog pagkatapos ng Hale, dahil nag-alisan ang mga tao bago pa sila nagsimula. mga 3 bands pa ata yun eh. kawawa naman. ang naiwan na lang siguro eh mga kaibigan nila. wala pang 100 yung naiwan dun eh, kasama pa dun yung mga naglilinis at mga taga-ILIS. all in all, masaya ang gabi. masaya ang mga tao kahit na may mga kaunting hindi kanais-nais na nangyari. ayun, pagod na ako mag-type. nwehehe. =)

Blogger aninel detto...

kala ko tatay mo yun nasa pic! hehe, sorry... si anu pala.. basta sya, yun sa anu nga yun??? AAAAHHH shit di ko maalala... si hari ng sablay... shit naman oh...

8/01/2005 11:32:00 PM  
Blogger aninel detto...

yun band nya yun di ko maalala... hindi ang pangalan nya k? hehe la lang

8/01/2005 11:35:00 PM  
Blogger fuyu detto...

AAAAAAAH!!!!!! SI EBE!!!!!! T_T Grabe, Drea, bigatin ka na rin pala, e! ^__^

8/02/2005 09:48:00 AM  
Blogger fuyu detto...

nina: sugarfree po ang banda.

8/02/2005 09:50:00 AM  
Blogger maligalig detto...

ninay: waaah, tatay?! nwehehehe! Sugarfree. =p
sa: bwahahah! ang bait nga nya eh, kahit mukha akong palaboy dahil sa pagod ^_^

8/04/2005 05:17:00 AM  
Blogger T*ps! detto...

oo nga andrea, akala ko rin nung una tatay mo. hehe

8/07/2005 04:20:00 PM  
Blogger maligalig detto...

mangilabot ka naman! >_<

8/08/2005 12:04:00 AM  

Affiggere un commento

<< Casa